message for you.
minsan, hinde ko namamalayan . "ahh iniisip ko nanaman siya.."
minsan napapansin ko nalang " hays.. miss na miss ko na siya"
at ng dumating ung araw na makikita na kita.. " hnde ako makalapit.. ang laki ng hadlang" ano yung hadlang? mhm.. ako. oo tama, ako.
ung takot na paano kung marealize ko na mahal paren kita.
ung takot ko na baka mapansin mong mahal kita at lumayo ka.
ung takot na pag yayakapin kita, mahihirapan na talaga akong pakawalan ka.
Tayo na matagal ng tapos na, at ikaw na matagal ng akong iniwan, hanggang ngayon hinde ko paren alam paano ko pakakawalan.
ung isipin na mawawala ka na sa buhay ko man lang di ko magawa.
maninikip lng dibdib ko. at hahanapin kita hanggang maramdaman ko na andyan ka lang.
Tanga ko ba masyado para magmahal ng isang taong iniwan nako?
mali ba na hanggang ngayon pinipili kong hnde ka pakawalan?
sa tuwing nangyayare na naalala kita, kahit gaano pa kasakit ang mga nangyare, bkt hnde ko magawa na kalimutan ka?
At sa panahon na may kakatok sa puso . sa isip ko "paano kung balikan nya ako?" alam kong mali. alam kong sinabihan mo na ako na wag ng maghintay pa. pero mahal paren kita eh.
Pero wag ka magalala, bibitaw nako. susuko na ako. pipilitin ko sarili ko na bumitaw, kung kelangan ko itago ung nararamdaman ko hanggang hnde ko na sya maramdaman ulit gagawin ko. para ituloy lang naten ang pagkakaibigan naten. kung kelangan kalimutan ko na humigit tayo sa pagiging kaibigan, gagawin ko. kelangan eh.
hinde nmn fair kung ako lang nakastuck dun magisa. ako ren magiging kawawa na naiiwan sa past. kaya THANK YOU, salamat na kahit minsan minahal moko, SORRY, na hindi ko kinaya na paglaban ung meron tayo nuon. I Love you. nothing more, nothing less.
ohh dba ang lalim. tara swimming na tayo :))
:) babe, pagdating ng panahon, sana sa friendship naten, wala na talagang iwanan.
goodbye joy.
Comments
Post a Comment