message for you.
minsan, hinde ko namamalayan . "ahh iniisip ko nanaman siya.." minsan napapansin ko nalang " hays.. miss na miss ko na siya" at ng dumating ung araw na makikita na kita.. " hnde ako makalapit.. ang laki ng hadlang" ano yung hadlang? mhm.. ako. oo tama, ako. ung takot na paano kung marealize ko na mahal paren kita. ung takot ko na baka mapansin mong mahal kita at lumayo ka. ung takot na pag yayakapin kita, mahihirapan na talaga akong pakawalan ka. Tayo na matagal ng tapos na, at ikaw na matagal ng akong iniwan, hanggang ngayon hinde ko paren alam paano ko pakakawalan. ung isipin na mawawala ka na sa buhay ko man lang di ko magawa. maninikip lng dibdib ko. at hahanapin kita hanggang maramdaman ko na andyan ka lang. Tanga ko ba masyado para magmahal ng isang taong iniwan nako? mali ba na hanggang ngayon pinipili kong hnde ka pakawalan? sa tuwing nangyayare na naalala kita, kahit gaano pa kasakit ang mga nangyare, bkt hnde ko magawa na kalimutan...